Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2023

The Richest Place In The World

       Ang pinakamayaman na lugar raw sa mundo ay ang sementeryo hindi dahil sa laki o dami ng materyal na bagay na naipundar ng mga nakalibing ruon kundi dahil sa pangarap, yaman,ideya, potensyal, kinabukasan  at talento na di na naisasakatuparan dahil natapos na ang kanilang paglalakbay.       Walong taon na din pala simula ng nawala ang kapatid ko, di ko mawari kung paano ang isang umaga ay magbabago sa takbo ng aming mundo, kung paano ang isang umaga ay magiging only child na lang ako ni mama, kung paano ang isang umaga ay di na maririnig ang iyong tawa, kung paano ang isang umaga ay di ka na makikita pa.       Walong taon na din pala ang lumipas ng ikaw ay namahinga, dalawang buwan na lang sana ay ika-14 na taon mo na. Walong taon na din ang lumipas simula ng huling nakalaro sa basketball, umulan man o umaraw. Walong taon na din ang lumipas simula ng huling beses kong narinig na tawagin mo akong kuya. Walong taon na pala ang lu...